TAU GAMMA PHI.

Prenum Nil Nosere

 

TAU GAMMA PHI.
TAU GAMMA PHI.

Una sa lahat, Huwag Manakit.

‘Tol, ang manakit ng ibang tao, ng wala silang ginagawa, ay labag sa ating kapatiran.

 TΓΦ – TAU GAMMA PHI

Ang Tau Gamma PhiTriskelion’s Grand Fraternity— ay isang organisasyon ng mga estudyante itinaguyod sa Pilipinas, itinatag kahalintulad ng mga kapatiran sa Estados Unidos at Canada.

Unang nakilala bilang “Order of the U.P. Triskelions”, naitatag noong Oktubre 04, 1968 ng apat na estudyante ng Arts and Science sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. Lalong lumaki at nakilala ng ginamit ang  Greek-lettered name na  Tau Gamma Phi. Sumunod na taon ay pagtayo ng mga chapters sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas kasama na ang mga out of school youth na isinali sa kapatiran.

Ang Tau Gamma Phi ay itinayo upang mapalakas at mapanatili ang kapatiran upang maabot ang anumang mithiin at ideyalismo ng buong samahan. naniniwala ang kapatiran na ang bawat miyembro ay dapat magkaroon ng kwalipikasyong leadership, commitment, persistence, trust, integrity, respect, at vision. Ilan pa sa mithiin ay academic success, personal, career at spiritual growth, active participation sa komunidad sa paraang serbisyo at mga social activities. Bilang Tau Gamma Phi ay dapat itaguyod at palawakin ang kapatiran at organisasyon: ang isang estudyante ay dapat kumilos ng nararapat base sa Tenets and Codes of Conduct ng kapatiran.

Ang isang miyembro ng Tau Gamma Phi ay tinatawag na Triskelion. Ang Triskelion ay kinopya sa “Three Legged Symbol” na ipinapakita sa simbolo ng kapatiran, (simbolo rin ito ng Britanny, Sicily at Isle of Man) ang pinagmulan ay isa pa ring misteryo. Ang Triskelion ay nabubuhay sa motto na, “it will stand no matter where you throw it”, na kumakatawan sa simbolo— Strength, Free Will and Brotherhood.

Sa ngayon, libo-libo na ang mga miyembro at alumni mula sa iba’t-ibang sangay ng unibersidad sa Pilipinas. Ang mga Propesyonal Triskelions ay aktibo sa iba’t-bang larangan katulad ng Triskelion Order of Law (TOL) para sa mga Law Students, Triskelion Order of Medicine (TOM) para sa mga medical practitioners, Triskelion Order of Business (TOB) para sa mga corporate leaders, businessmen at entrepreneurs, at ang Triskelion Law Enforcement Group (TriLEG) para sa mga Alagad ng Batas, etc. Idinagdag na rin ang Triskelion Youth Movement.

Ang manakit ng kapwa ay hindi gawain ng tunay na Triskelion. 😉

Maligayang Kaarawan, Kristobal! 😉

Book & Buy

Viewed 5985 times by 1468 viewers

ADMIN

Juan Manila Express is a magazine-themed blog of different niche from daily grind to headline news, to entertainment updates and social media related topics. Email us at [email protected] for your suggestions and comments. Thank you for visiting!

More Posts

ADMIN

Juan Manila Express is a magazine-themed blog of different niche from daily grind to headline news, to entertainment updates and social media related topics. Email us at [email protected] for your suggestions and comments. Thank you for visiting!

Let's Talk!