THE JANITOR. Ang bidang si Dennis Trillo sa pelikulang kasali sa X: Cinemalaya ngayong taon.

The Janitor: Isang mapag-hamong pelikulang pinangungunahan ni Kapuso aktor Dennis Trillo

THE JANITOR. Ang bidang si Dennis Trillo sa pelikulang kasali sa X: Cinemalaya ngayong taon.
THE JANITOR. Ang bidang si Dennis Trillo sa pelikulang kasali sa X: Cinemalaya ngayong taon.

Tutal naman ngayon ay buwan ng Agosto at sakto namang ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Wika eh hayaan niyo muna kami na ibahagi sa inyo etong aming munting artikulo tungkol sa pelikulang The Janitor na pinangungunahan ng magaling na aktor na si Dennis Trillo sa wikang Tagalog.

Maaga na naming sasabihin na nagustuhan namin ang pelikulang The Janitor at aaminin namin na sa unang araw na narinig namin na may pelikulang ganito si Dennis ay inakala namin na ang kaniyang gaganaping karakter ay patungkol sa isang janitor, sa literal nitong pinatutungkulan. Nag-iba lamang ang aming iniisip ng magsimulang umikot ang rolyo ng palabas sa tanghalan ng CCP at unang ipinakita si Dennis na nagtuturo ng mga bagong pulutong na guwardiya o jaguar. Dito namin unti-unting naintindihan ang ibig sabihin ng pamagat ng pelikula.

THE JANITOR. Directors Showcase film at X: Cinemalaya.
THE JANITOR. Directors Showcase film at X: Cinemalaya.

Magaling ang pagkakaganap ni Dennis bilang isang masunuring tauhan ng isang pulis na pinagbibidahan ng magaling rin na aktor na si Richard Gomez o Goma kung kayo ay ipinanganak nung kasikatan nya bilang taga-endorso ng damit na ang tatak ay tawag sa isang lugar kung saan pwede kang umupo o magpahinga at kasikatan rin ng nakakatawang palabas sa telebisyon noon, ang Palibhasa Lalake.

CASTS OF THE JANITOR. Some of the casts of the film during the Gala Night at CCP Main Theater.
CASTS OF THE JANITOR. Some of the casts of the film during the Gala Night at CCP Main Theater.

Si Dennis, sa pelikulang The Janitor, ay isa ring mabuti at maalalahaning asawa sa kanyang maybahay na ginagampanan naman ng magandang aktres na si LJ Reyes.

KAPUSO ACTRESS LJ REYES. LJ plays the wife of Dennis Trillo in The Janitor.
KAPUSO ACTRESS LJ REYES. LJ plays the wife of Dennis Trillo in The Janitor.

Unti-unti, sa pagtakbo ng pelikula ay naunawaan namin kung bakit The Janitor ang pamagat nito. Nakakatawa lamang na habang pinapanood namin ang Premiere Gala Night nito sa CCP Main Theater ay nakaupo naman sa aming likuran sina Dennis at iba pang artistang gumanap sa pelikula. Hindi tuloy maalis sa aming isipan kung ano kaya ang reaksyon nila habang pinapanood nila ang kani-kanilang sarili sa malaking kurtina ng sinehan. Natatawa kaya sila o seryoso nilang pinapanood ang kanilang sarili? Nakakaaliw.

DENNIS TRILLO WATCHING THE JANITOR. Dennis together with his fellow actors in the movie.
DENNIS TRILLO WATCHING THE JANITOR. Dennis together with his fellow actors in the movie.

Sa kabuuan, binibigyan namin ng 4/5 na kaukulang puntos ang pelikula. Alam namin na maganda ang pelikula subalit mayroon pa rin namang katiting kaming napansin na medyo hindi akma sa pagbuo ng istorya. Maaring hindi na ito mapansin ng iba at yun ay magandang senyales upang humakot din ng mga parangal ang The Janitor. Sa amin na lamang siguro iyun.

Magagaling din ang mga nakasama ni Dennis sa pelikula katulad nila Gomez, Reyes, Dante Rivero, Irma Adlawan, Derek Ramsay, Raymond Bagatsing, Inez Veneracion, Sunshine Garcia – dating kasama sa Sex Bomb Dancers, Ricky Davao, at yung mga nagsiganap sa papel na mga holdaper ng isang banko na sila Jerald Napoles at Alex Medina. Maganda rin ang naging labas ng aktor na si Nicco Manalo na gumanap bilang si Carasco. Etong karakter na ito ang dapat niyong abangan dahil sa kaniya rin iikot ang sikreto ng istorya ng pelikula. Ang The Janitor ay mula sa panulat ni Aloy Adlawan at sa direksyon ni Mike Tuviera, anak ni Tony Tuviera na may-ari na APT Films.

ACTOR RICHARD GOMEZ. Gomez plays a cop in the movie The Janitor.
ACTOR RICHARD GOMEZ. Gomez plays a cop in the movie The Janitor.
ACTOR DEREK RAMSAY. Derek plays a rogue cop on this film The Janitor.
ACTOR DEREK RAMSAY. Derek plays a rogue cop on this film The Janitor.

Nag aksyon dito si Dennis na huling gumanap bilang isang lalakeng may pusong babae sa teleserye ng GMA-7 Kapuso na My Husband’s Lover.

KAPUSO ACTOR DENNIS TRILLO. Dennis plays a suspended cop in the film The Janitor.
KAPUSO ACTOR DENNIS TRILLO. Dennis plays a suspended cop in the film The Janitor.

Maaksyon naman ang pelikula ngunit hindi todo. Kumpara rin sa ganitong tema ng istorya, kulang sa pagiging madilim ang pag-atake ng cinematography ng pelikula na lalo sanang magpapaantig ng nerbiyos at kaba ng manonood kung sakali man nabigyan eto ng mas mabigat na dating.

Mahusay din ang mga linyang binitawan ng mga aktor dito. Isa sa umani ng tawa at palakpak ay ang linyang “Pokpok ako. Dream come true sa amin ang maging kabit!“, na binitawan ng karakter ni Sunshine habang kausap nya si Derek sa isang eksena dito. Nagtawanan ang manonood dahil may kurot at halong katotohanan nag binigkas na salita ni Sunshine.

May isang linya rin ang hindi namin makalimutan hanggang kami ay makalabas ng gusali ng CCP at habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada sa Maynila pauwi ng aming bahay. Binanggit dito ni Gomez ang linyang “Kung gusto mong makatulog ng mahimbing mamayang gabi, isipin mo na lang na lahat ng nakukuha nating intel ay tama.” Importante ang linyang ito at isa ito sa magpapatulog sa manonood ng mahimbing sa kanilang mga tahanan kung sakali mang umuwi rin kayo na pinag-iisipan pa ang kinalabasan ng pelikula.

Isa lamang ang The Janitor sa dalawampu’t limang pelikulang handog ng X: Cinemalaya ngayong taong ito. 

DIREK MIKE TUVIERA. Mike directs The Janitor for X; Cinemalaya entry.
DIREK MIKE TUVIERA. Mike directs The Janitor for X; Cinemalaya entry.

Kung nais niyong mapanood ang The Janitor, heto ang iskedyul ng palabas ng pelikula: Aug. 6 (6:15 CCP/9PM GB3-5), 7 (3:30 CCP/9PM TRINOMA CINEMA 4), 8 (1:30 TRINOMA CINEMA 1)/6:00 CCP/6:30 FT), at 9 (1:30 PM GB3-5/ATC). 

Ang Regular Screening Price ay Php 150; MKP Screening ay Php 200. At para sa kabuuang detalye sa halaga, oras at kung saan pa ang palabas ng ibang X: Cinemalaya na mga pelikula, mangyaring dumulog at dumiretso kayo sa CCP o kaya ay tumawag sa CCP Box Office sa telepono 832-3704, 832-3706 o sa TicketWorld sa telepono 891-9999.

X: CINEMALAYA 2014. X: Cinemalaya 2014 runs until August 10, 2014.
X: CINEMALAYA 2014. X: Cinemalaya 2014 runs until August 10, 2014.

Bisitahin niyo rin ang sapot-lugar ng CCP na nasa http://www.culturalcenter.gov.ph at sa sapot-lugar ng Cinemalaya sa http://www.cinemalaya.org.

Book & Buy

Viewed 39841 times by 6294 viewers

ADMIN

Juan Manila Express is a magazine-themed blog of different niche from daily grind to headline news, to entertainment updates and social media related topics. Email us at [email protected] for your suggestions and comments. Thank you for visiting!

More Posts

Let's Talk!